Tuesday

Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Ka Crispin Beltran, Bayani ng Kumikilos na Mamamayan


"If helping the poor is a crime, and fighting for freedom is rebellion, then I plead guilty as charged."
+ Crispin 'Ka Bel' Beltran (January 7, 1933 — May 20, 2008)

Manggagawa. Aktibista. Dakilang mamamayan. Pumanaw ngayong araw ang isa sa mga dakilang lider sa hanay ng paggawa – si Kongresista Crispin “Ka Bel” Beltran. Pitumput-limang taon niyang pinagsilbihan ang mamamayanan, lalo na ang hanay ng manggagawa at ng maralitang Pilipino. Beterano na rin si Ka Bel sa parlyamentaryong pakikibaka. Sa kabi-kabilang rally, picket at demonstrasyon, matutunghayan mong nangunguna si Ka Bel, para ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino.

Bago siya pumanaw, inihahanda niya ang pagsasampa ng bagong panukalang batas para pababain ang singil sa kuryente, at ipagpaliban ang pagpapahaba sa depektibong Comprehensive Agrarian Reform Law. Hanggang sa huling saglit ng kanyang buhay, inilaan pa rin niya ang bawat lakas niya para sa masa.

Isang hindi matutularang mamamayan, bigyang pugay natin ang isang Pilipinong walang ibang hinangad kundi ang kapakanan ng sambayanan. Ipagpatuloy natin ang laban ni Ka Bel, the Grand Old Man of Philippine Labor.

Though you may have gone, your fight shall go on! Serve the People!

You can view Cong. Crispin Beltran’s profile at the Kilusang Mayo Uno website. Just click on the title above.


No comments:

Custom Search