Kapos man sa balita tungkol sa ating bayan, umaabot pa rin sa kalayuan ng ibang bansa ang alingawngaw ng paglapastangan sa katotohanan at ang pambubusabos sa kalayaan ng sambayanan. Kaya't sa una pa lamang ay buong tapang ko ng hinahayag ang aking pag-suporta sa mga susunod na kilos at hakbang na gagawin ng sambayanang Pilipino!
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Nailatag na ang konkretong batayan para kumilos ang mamamayan. Kahit malinaw na sufficient in form, at sa pananaw ng mas nakararaming Pilipino, ay sufficient in substance ang inihaing impeachment complaint laban kay Gloria Macapagal-Arroyo, nagkaisa na naman ang kanyang mga ka-alyado sa House Committee on (In)Justice, para ibasura ang nasabing complaint. Kaysa usisiin kung may batayan nga ba ang mga akusasyon ng sambayanan, mas inatupag nila ang teknikalidad nito. Ayon sa isa pang Kongresista, na ikinalulungkot ko ay aking brod, palsipikado raw ang mga lagda ng naghain ng reklamo. Pilit na inililihis ang mga isyu na ikinahaharap ng administrasyon. Tunay ngang naisantabi na lamang bilang isang moro-moro at numbers game ang proseso ng impeachment. Pinagsamantalahan na ang taumbayan, pati ba naman ang Saligang Batas ay nilaspatangan na rin. Lintic na iyan!
At habang na-lutong Macao ang impeachment, ibinalik na naman ang isyu ng Cha-Cha para daw sa ikauunlad ng ating sambayanan. Kaunlaran pa ang paghahain ng isang Resolusyon sa House Committee on Constitutional Reforms, na naglalayon na iurong ang nakatakdang halalan sa Mayo 2010 at pahabain ang termino ng mga kasalukuyang mga opisyales hanggang Mayo 2011, upang bigyang daan ang pagbabago sa Saligang Batas. Isa itong tuwirang plano ng mga nakaupo sa ating pamahalaan na kumapit sa kanilang mga puwesto, at para sa isa, mapalawig ang Constitutional immunity na kasalukuyan niyang tinatamasa. Isang taas noo at diretsahang pandarambong na naman! Lintic na talaga!
Matagal ng nanahimik at nagmasid ang taumbayan, nagpatawad at nagbigay ng ikalawang pagkakataon. Ngayon, alam na natin na walang patutunguhan ang pagtahimik, walang patutunguhan ang pagmamasid lamang. Ang pagpapatawad ay nagbibigay lamang ng lakas ng loob na gumawa pa ng higit na masahol na krimen laban sa mamamayan at ang ikalawang pagkakataon ay magdudulot lamang ng mas laganap na pangungurakot at pagnanakaw. Huwag na nating hayaan na paulit-ulit na lokohin ang mga Pilipino. SAWA NA! TAMA NA! PALITAN NA! Magpapaloko pa ba tayo sa ginagawang ito ng ating pamahalaan! HINDI NA! Kaya ang ating panawagan sa Sambayanan, MAGSURI! KUMILOS! MAKIBAKA! Napapanahon na para ipakita natin ang ating pagtutol sa ginagawang panloloko ng Rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi pa huli ang lahat, may kaunting panahon pa!
Sa ilang araw ay magbobotohan ang plenaryo ng Kongreso kung sang-ayon ba sila sa naging kapasyahan ng Komite ng Hustiya. May pagkakataon pa tayo. May kapangyarihan sa kamay ng mamamayan, ang kapangyarihan ng botohan!
Gumawa ng sulat o e-mail sa inyong mga local na Kongresista at ipahayag niyo ang inyong pagsuporta sa impeachment, at ang inyong pagtutol sa Cha-cha! Maari niyong sundan ang link na ito: House Members - House of Representatives; para malaman ang kanilang contact details. Ipahayag ninyo ang inyong mga saloobin sa mga nagaganap. Sabihin niyo na kapag sinuportahan nila (ang inyong Kongresman) ang pagbasura sa impeachment at kung papanig sila na palawigin ang kanilang termino hanggang 2011, ay manganganib sila sa susunod na halalan. Na anumang salapi ay hindi na nila mabibili ang inyong boto. Napatunayan ito ng mga taga-Isabela ng ipanalo nila sa Gob. Grace Padaca, at ng mga Kapampangan ng iniluklok nila si Gob. Ed Panlilio. Kapag nagsama-sama ang sambayanan, walang hindi kayang gawin.
Dumalo sa mga darating na malawakang KILOS PROTESTA. Mag lunsad ng mga walk out at signature campaign. Tuloy tuloy na laban ito, at kung kinakailangan, ay puwersa ang ating itapat.
Sa layo ko sa ating bansa, naguumapaw ang aking kalooban sa mga nagaganap. Kaysa mainis at magsentimiyento sa aking kalayuan sa mga balitang nagaganap, gagamitin ko na lamang ang aking talento at galing para maipakalat ang bagay-bagay sa internet at sa kung anu-ano pang midyum bilang tanda ng aking pagsuporta sa laban ng sambayanan. Ngunit sa aking pag-uwi, isang matinding laban ang aking susuungin.
Handa na ako!

No comments:
Post a Comment