sana ang pinag samahan hindi mawala sa isang kisap mata.
sapagkat sa huli kong bilang, hindi nagkamali at hindi nagdududa,
atin palang pagkakakilanlan at pagkakaibigan, isa nang dekada.
pumasok tayong mga musmos at walang kamuwang-muwang,
mga freshmen sa eskuwelahang itago sa pangalang san sebastian.
ang iba ay dating magkamag-aral subalit hindi magkakakilala ang karamihan,
pero nang pagsamahin ang tanan, nagbunga'y ibang klaseng samahan.
mula sa kadramahan hanggang sa kalokohan,
pati sa panliligaw ng mga naging kasintahan,
kasama mo taong doon mo lang naging kaibigan.
sa kopyahan at suntukan, iyakan at inuman,
hanggang sa pag drawing ng maestrong kinaiinisan,
kadamay mo sa hirap at kasiyahan,
tropa mong nakilala sa unang araw ng pasukan.
ngayon, matanda na ang karamihan, alam kong marami ang magaangalan,
ang iba ay may asawa na, at ang iba naman ay nag-aasawahan.
ang iba ay estudyante pa rin, pero board at bar topnotcher naman... (hahahaha)
pero isa ang hindi magbabago, ito ang inyong pakatandaan:
sa oras na ako'y pagod na sa pagbabasa ng librong dapat pag-aralan,
at ang kasong sandamakmak ay gusto ko ng tulugan,
sa isang waglit panahon ang aking ala-ala naglalakad sa kawalan,
at nagmumuni-muni, kamusta na kaya ang aking mga kaibigan?
No comments:
Post a Comment